ako mismo...

...hindi ko papansinin ang mga bagay na hindi ko naman dapat pinapansin.
mGa kAdrAmahan at kataraNtAduhaN lAng sa bUhay

...hindi ko papansinin ang mga bagay na hindi ko naman dapat pinapansin.
Posted by evil at 8:05 AM 0 comments
minsan kahit maliit lang na bagay, maaari itong maging dahilan ng isang malaking away. sa bahay namin, ang basong nagkaroon na kahit maliit na lamat eh tinatapon na agad namin kasi sabi ng nanay ko, pag nabasag daw bigla, pwedeng makasugat ito.
minsan nakakatuwa talagang magtrabaho kasama ang mga taong marunong magappreciate ng effort na ginagawa mo. minsan naman may mga tao talagang hindi mo maintindihan ang pag iisip. owel, hindi na lang ako magsasalita, baka hindi ko na rin mapigilan ang bibig mo at magpangalan ako bigla ng mga tao dito. ayoko ng kaaway as much as possible..:D
Posted by evil at 12:14 AM 0 comments
ang lungkot dito sa bahay, ako lang kasing mag isa ang nandito sa baba.. at sa tuwing ganito ang setting nakakaramdam ako ng matinding kalungkutan. ewan ko ba..
nakadagdag pa yung inggit sa mga batchmates ko na kakagraduate lang. hais. kaya ayokong pumunta eh, kasi siguradong magtatanong sila kung kailan ako makakatapos and as of the moment, hindi ko pa rin alam ang isasagot ko. hais
pinipigilan ko na wag pansinin, pinipigilan ko na mag isip ng kung ano anong bagay na makapagpapalungkot sa akin pero habang tinititigan ko yung nakita ko, gusto kong umiyak. ewan ko ba, wala naman akong dapat nararamdamang ganito pero hindi ko talaga mapigilan.. gusto ko ng sumabog.. hais.
hindi ko alam kung mababasa mo to, hindi ko nga alam kung may nagbabasa pa nito, hindi ko rin alam kung magegets mo yung tinutukoy ko sa itaas.
sana makita kitang ulit.
Posted by evil at 8:16 AM 0 comments
habang tinitignan ko yung mga pictures sa multiply ng iba't ibang tao may mga napansin lang ako...
hindi ko alam kung ano etong nararamdaman ko...
badtrip
naiinis
natatae
kinakabahan
nabobore
natatae
naeewan
+ nagagago
-------------------
feeling ko ngayon...
ewan..
blangko..
bakit ko ba kasi nararamdaman ito?
parang ang lungkot tuloy ng mundo ko..
hais..
goodbye EEE na ata ako..>.<